Error message

  • Deprecated function: The each() function is deprecated. This message will be suppressed on further calls in menu_set_active_trail() (line 2404 of /home3/albee/public_html/includes/menu.inc).
  • Notice: Trying to access array offset on value of type int in element_children() (line 6570 of /home3/albee/public_html/includes/common.inc).
  • Notice: Trying to access array offset on value of type int in element_children() (line 6570 of /home3/albee/public_html/includes/common.inc).
  • Deprecated function: implode(): Passing glue string after array is deprecated. Swap the parameters in drupal_get_feeds() (line 394 of /home3/albee/public_html/includes/common.inc).

DHSUD, legacy ng aking ama



Last updated Oct 15, 2018
By Albee Benitez

Bilang isang anak, isang malaking karangalan na maipagpatuloy ko ang iniwang legasiya ng aking ama na si Jolly Benitez, ang Deputy Minister ng Human Settlements simula noong 1970 hanggang 1980.

Ipinagmamalaki kong tatay ko si Jolly Benitez na idolo at tinitingala kong ehemplo. Mahirap gayahin at sundan ang kanyang nasimulan kaya sinisikap kong maipagpatuloy ang lahat ng kanyang napasimulan lalo na sa usa­ping pabahay na ilang dekada ng problema sa ating bansa.

Ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Act ang magpapatuloy ng legasiya ng aking ama.

Natutuwa akong ipaalam sa inyo na maisusulong na ang inaasam nating progreso na maisabatas ang DHSUD dahil matapos ang halos tatlong dekada ay napatibay na rin sa wakas ang Bicameral Report ng panukalang batas na ito.

Isa sa magiging bentahe nito ay hindi na magiging malalayo sa trabaho at oportunidad ang mga kababayan na­ting Pilipino.

Kapag naisakatuparan ang DHSUD, ang nakatiwangwang na lupa ng gobyerno sa siyudad ay magagamit na bilang abot-kayang pabahay.

Sa pamamagitan nito ay naniniwala po akong mabibigyang solusyon na ang lumalalang problema sa pabahay at urbanisasyon.

Tulad ng aking ama, naniniwala po ako na ang pagkakaroon ng sariling pabahay ang isa sa mga natata­nging paraan upang matalo ang patuloy na paglaganap ng kahirapan.

Isa po ito sa mga nakikita nating paraan para tuluyang umasenso ang Pilipinas dahil ‘di ba, ang pagkakaroon ng sariling bahay ang ginagamit na basehan ng estado ng isang tao o pamilya?

Para po ito sa mga Pilipinong naghahangad ng DISENTE at ABOT-KAYANG ta­hanan. Unti-unti na po nating naabot ang ating pangarap.

Alam ko pong mahirap pantayan ang nagawa ng ating mga magulang pero sisikapin kong makasabay man lang.

Titiyakin ko pong maalagaan natin ang institusyon na ito para sa bawat Filipino na makamit ang simple nilang pangarap sa buhay – ang magkaroon ng sariling bahay na disente at abot-kaya ng ating mga bulsa.

Source: 

@senso for A BETTER BACOLOD

Ang isa sa akon mga handom para sa Bacolod.


Ako ang kapitan sg sini nga barko. Indi ini magkadto sa wala ukon sa tuo, kundi derecho sa direksyon sang pagbag-o sang gobyerno para sa kaayuhan sang Bacolodnon.