Cong. Albee Benitez at Marawi Today


December 7, 2017



Binisita ni Cong. Albee Benitez ngayong araw ang Ground Zero ng bakbakan ng militar at ng teroristang grupo na Maute at inispekyon ang temporary housing na itinatayo ng National Housing Authority para sa mga pamilyang apektado ng giyera.

Idiniin ni Cong. Albee sa mga opisyal ng Task Force Bangon Marawi at NHA na bilisan ngunit sinsinin ang pagpaplano para muling itayo ang Marawi at tiyaking maayos ang implementasyon ng mga proyekto, lalo na sa pabahay, basic social services at kabuhayan, parang tulungan muling makatayo ang mga biktima ng kaguluhan.